Martes, Marso 6, 2012

Ang Pagbabalik at Ang Pag-alis

Akala ko wala na. Akala ko nakalimutan ko na. Akala ko okay na ko. Akala ko tapos na. At marami pang ibang akala. Haaaaaaaaayyyyyyyyyy. Yun na yun. Grabe never pala talaga nawala. Ganun nga siguro kapag may naramdaman ka ng kakaiba. Ang pagmamahal kasi never mawawala yan. Siguro pag nasanay ka na lalong uusbong. I wish na sana maging okay na ko sa ganito. Ang hirap kasi ng umaasa. Okay sige inaamin ko umasa ako noon. Pero ngayon dahil napag usapan naman na kahit papano wala na kong masyadong iniisip. Masaya na ko. Feeling ko nga bumalik na yung dating saya at energy ko. :D

CHANGE TOPIC

So yun yung pagbabalik. Kaso unfortunately, may gusto atang umalis. Isa pa siya sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ewan ko nga ba if magagalit ako sa kanya or whatever. Sige inaamin ko galit na ko pero hindi pa dun sa highest level. Gusto ko man siyang kausapin kaso hindi ko naman siya malapitan kasi lumalayo siya. Nakakalungkot isipin na sa tinagal tagal naming nagsama ay bigla na lang magiging ganon. Malaki ang pag-asa  ko na magiging maayos ulit ang aming samahan pero sa tingin ko hindi pa ito yung tamang oras o araw na mangyayari ito. I'll pray to God. Please guide us to be bale to think of possible ways to end this clash and start a friendship anew.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento