Huwebes, Mayo 17, 2012

Ang mga natutunan ko ngayong summer :)

Kanina,sinamahan ko ang lola ko sa parlor. Buti na lnang may t.v. dun kasi matagal ang proseso ng pagkulot sa lola ko. Habang inaayos ang buhok niya, busy naman akong nanonood ng Showtime. Natatawa lang ako sa Cruz family na sumali sa segment ng Liga kapamilya (if i'm not mistaken :)). Tawa lang ako ng tawa hahaha. Pero hindi ko naisip na may mapapagtanto pala ako sa pamilyang ito lalo na sa kanilang nanay. Tinanong kasi siya: "Sino ang pipiliin mo ang taong mahal ka o ang taong mahal mo?" Kung ako ang sasagot nito, ang isasagot ko ay yung taong mahal ako. Alangan naman ipilit ko yung sarili ko sa taong hondi naman ako mahal diba? Masasaktan lang ako sa huli. Hindi naman ako sardinas para ipagsisiksikan ko ang sarili ko. May puwang naman sa puso kong turuan ito para mahalin yung taong minamahal ako. Wow, infairness ang haba ng sagot ko hahahaha!!! Moving on, sumagot ang nanay ng kanilang pamilya. Di ko inexpect yung sagot ni nanay. Kasi ang pinili niya ay yung taong mahal niya. Gulat naman daw ako. Pero may explanation siya. Sabi niya kung ipapakita mo lang daw kung gaano mo kamahal yung tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagiging maalaga mo ay darating sa punto na mahahalin ka rin niya. AWWWW... Sa totoo lang kung nasa bahay lang ako ay maiiyak na ko sa sagot niya. Natouch ako o ewan. Hahaha. Basta pumasok lang sa isip ko-ginawa ko naman lahat ng sinabi ni inay sa taong mahal ko pero bakit walang nangyari :(




Ganyan talaga ang magmahal. Bago mo maramdaman ang tunay na pag-ibig, masasaktan ka muna ng ilang beses. (BASED ON MY PERSONAL EXPERIENCE)


Kung sino ang mahal mo, di ka mahal.
Kung sino naman ang taong nagmamahal sa iyo, yun naman yung taong hindi mo kayang mahalin.


Ang love kasi kung minsan, parang yung pamasahe mo sa dyip. Hindi nasusuklian.
May point di na hindi ka magiging mabenta sa mga tao kasi ikaw na lang lagi ang nagmamahal.
Sana nga ang love parang karma yan, dahil mahal mo ang isang tao dapat din niyang ibalik yung pagmamahal mo sa kanya.


Hayy. Ang pag-ibig nga naman. Kahit anong gawin mo kung ayaw, hindi talaga maipipilit ito. Pero mas masaklap naman kapag naramdaman mo ito hindi mo na ito mapipigilan.


Ayan. Isa lang talaga ang puno't dulo ng pag-ibig: YOU CANNOT FORCE IT.


Isang conversation ko kay God:
LIZCEL: Bakit ganito po kasakit ang magmahal?
GOD: Kasi minahal mo yung taong itinadhana ko sa iba....


Kung hindi dahil diyan. Mas mahihirapan akong tanggapin na hindi talaga pwede. Hindi lahat ng gusto mo kahit na alam mong kailangan mo ito sa buhay mo ay hindi mo makukuha. Ibibigay naman sayo ni God yung alam niyang para sayo. Yung alam niyang kaya mong panindigan. Yung alam niyang tunay na kailangan mo para mas maging mabuti kang tao. Yung alam niyang magbibigay sa iyo ng tunay na kaligayahan. Alam niya lahat ng yan dahil sa sobrang mahal niya tayo. 


Balang araw. Mararamdaman natin ang tunay na pagmamahal. Tunay hindi yung perpekto. Dahil kahit yung "the one" na ang kasama natin, hindi maiiwasan na masaktan at magalit. Parte yan di lang ng buhay pag-ibig kundi ang talagang buhay natin :)

Hindi Ko Mawari

Bakit ganun?? Nung bata ako ayoko ng pumasok sa school. Lagi kong winiwish na sana eh may bagyo para lang suspended ang pasok. Masayang masaya ako nung gumraduate ako nung elementary. Yung ngiti ko eh ung para bang kita na hanggang sa likuran ng ulo ko. Syempre expected ko na yung mga friends ko ay makikita ko pa rin sa high school. Eh di yun hindi ako disappointed dahil natupad naman yung mga expectations ko. Marami rin mga hirap at kadramahan ang naranasan ko sa mga panahon nato. Okay. Fast forward na tayo. Graduation ko na ng high school last March 2008. To be honest, wala pa kong school na papasukan for college. May na nga ata ako nag exam at nag enroll sa SLU nun. Ang gusto kong university ay UST kaso ang mahal. hahaha. At ang malala pa rito failed ako sa Psych. Hahaha. Nag enjoy naman ako ng super duper sa SLU. Maraming kaibigan akong nakilala at nakaaway. Hindi naman talaga mawawala yung ganun. Okay. Grabe lang talaga. 4 years na ang nakalipas. Gagraduate na ako syempre pati sila. Hahaha. Buti nga nakakatawa pa ako. Ang hirap talaga ng ganito. Malalampasan ko rin ito :(