Martes, Disyembre 6, 2011

Minsan

Minsan sa buhay natin, tayo ay nagkakamali. Sinasabi nga ng marami sa atin, Tao lang tayo nagkakamali rin. Tama nga. Tao tayo. Pero hindi ba may mga isip tayo? Isip para gamitin. Para tulungan tayo na pag-isipang mabuti kung ang gagawin ba natin ay tama o kaya mali. Sige lahat tayo may mga isip. Yun nga lang ma mga puso rin tayo. Ang isip at puso kung minsan ay nagtatalo. Minsan kasi iba yung mga bagay na ating iniisip sa ating nararamdaman. Kapag ba nagmahal ka, ano yung ginagamit mo yung isip mo o yung puso mo? Dati siguro puso talaga ang ginagamit. Pero sa mga panahon ngayon,dapat gamitin na rin ang isip. Haaaaay ang hirap. Parehas kaing malakas ang impluwensiya ng puso at isip sa atin. Araw-araw nating ginagamit ang dalawa. Pero alin nga ba sa kanila ang dapat gamitin? Ewan. Di ba sabi naman ng karamihan, walang mali kapag nagmamahal ka? Paano naman kapag nagmamahal ka nga, may ibang tao naman nasasaktan. Grabe talaga. Sa aking palagay dapat gamitin sila ng parehas. PUSO AT ISIP. Darating din ang panahon na mas maiintidihan ko rin. Sa tamang oras. Paano naman kasi lagi na lang ako nagmamahal tapos nasasaktan. Isssssssssshhhhhhhh. Paano ba kasi? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento